Bagyong Lando humina, pero pag-ulan tuloy pa rin sa ilang lalawigan
Bahagyang humina ang bagyong Lando habang papalapit sa lalawigan ng Ilocos Norte ayon sa pinaka-huling Weather Bulletin na inilabas ng PAGASA kaninang alas-singko ng hapon.
Ang bagyong Lando ay huling namataan 45km kanluran, hilagang-kanluran ng Laoag City taglay ang lakas ng hangin na 105kph at pagbugsong umaabot sa 135kph.
Napanatili ng bagyo ang mabagal na takbo sa 5kph na siyang dahilan kung bakit magiging maulan pa rin sa ilang mga lugar na nasa ilalim ng Public Storm Signal No. 2.
Nagbabala rin ang PAGASA na magiging maalon pa rin sa karagatang sakop ng Ilocos Region, Pangasinan at Cagayan areas kaya mananatiling mapanganib ito sa mga maliliit na sasakyang pandagat.
Idinagdag din ng PAGASA na asahan pa rin ang pabugso-bugsong ulan sa mga lalawigang nasa ilalim ng Signal No. 2 sa mga susunod na oras.
Ang mga lugar na nasa ilalim pa rin ng Signal No. 2 ay ang mga sumusunod:
Ilocos Norte
Ilocos Sur
Abra
Apayao
Kalinga
Mt. Province
Cagayan
Calayan Island
Babuyan Group of Islands
Nananatili naman sa ilalim ng Signal No. 1 ang mga sumusunod na lalawigan:
La Union
Pangasinan
Ifugao
Benguet
Batanes
Isabela
Quirino
Isabela
Batanes
Quirino
Nueva Ecija
Nueva Vizcaya
Zambales
Tarlac
Pampanga.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.