180 sachet ng marijuana narekober sa isang 18 taong gulang na babae sa Taguig City

Southern Police District

Arestado ang isang 18 taong gulang na dalaga matapos magkasa ng drug buy bust operation ang mga otoridad sa Barangay New Lower Bicutan sa Taguig City.

Ayon kay Taguig City Police chief, Police Senior Superintendent Alex Santos, dalawang linggo silang nagsagawa ng surveillance laban sa suspek.

Nang maaresto ay narekober ang 180 plastic sachet na naglalaman ng hinihinalang mga pinatuyong dahon ng marijuana.

Napag-alaman na mga mag-aaral ang pinagbebentahan ng marijuana ng suspek.

Kasabwat pa nito ang kanyang kinakasama na nakatakas mula sa mga otoridad.

Samantala, sa Taguig City pa rin ay arestado ang isa pang 18 taong gulang na binata sa kasagsagan ng ginawang Oplan Galugad ng mga pulis sa Barangay Tipas.

Naaktuhan ang suspek na gumagamit ng shabu kasama ang dalawang iba pa na nakatakas.

Narekober mula sa suspek ang isang sachet ng hinihinalang shabu.

Samantala, sa Taguig pa rin ay naaresto ang dalawang lalaki dahil pa rin sa droga.

Nakilala ang mga suspek na sina John Ezekiel Alvarez at Cirilo Indoy.

Nabatid na isa sa mga ito ay napag-alamang pasok sa drug watch list sa Barangay Lower Bicutan.

Lahat ng apat na mga arestadong suspek at mahaharap sa kasong paglabag sa Republic Act 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002.

Read more...