Mga elementary pupils hindi papayagan ng DepEd na isalang sa drug test

By Len Montaño June 21, 2018 - 08:25 PM

Tanging sa mga high school students lamang at hindi sa elementary students o grade school pupils pwedeng isalang sa drug testing.

Pahayag ito ni Education Sec. Leonor Briones matapos sabihin ni Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) Director General Aaron Aquino na isusulong nila ang mandatory drug testing sa lahat ng mga estudyante mula Grade 4 pataas.

Ayon kay Briones, ang panukala ng PDEA ay dapat na linawin at masusing pag-aralan kung ano ba ang layon nito.

Binanggit ng kalihim na sa ilalim ng batas ay pwede ang drug testing sa high school level pero hindi sa elementary.

Dapat anyang ikunsidera ang privacy at reputasyon ng mga estudyante.

Problema rin anya ang logistics at proseso ng drug testing lalo na’t nasa 14 million na ang mga estudyante sa buong bansa.

Makikipag-pulong ang mga opisyal ng DepEd sa PDEA para pag-usapan ang isyu.

TAGS: briones, deped, drug test, PDEA, briones, deped, drug test, PDEA

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.