Ilang lugar sa Metro Manila at kalapit na mga lalawigan, binaha dahil sa malakas na ulan
Binaha ang ilang lugar sa iba’t ibang bahagi ng Metro Manila at kalapit na mga lalawigan dahil sa biglang malakas na ulan o thunderstorms.
May flood alert ang MMDA sa sumusunod na mga lugar:
– Quezon Ave. Biak na Bato eastbound/westbound waist deep. Not passable to light vehicles
– EDSA Pasong Tamo SB/NB Waist deep. Not passable to light vehicles
– C5 CP Garcia Katipunan SB/NB Tire deep. Not passables to light vehicles
– EDSA Gen, Malvar SB/NB Gutter deep. All lanes passables
– Commonwealth Tandang Sora EB/WB Gutter deep. All lanes passables
Ayon sa Pagasa, pasado alas 5:00 ng hapon ay nakaranas ng heavy to torrential rains sa Metro Manila at mga probinsya ng Rizal, Bulacan, Laguna, Quezon, Batangas at Pampanga.
Ang thunderstorms ay inaasahang tatagal hanggang sa susunod na 3 oras.
Malakas ding ulan na may malakas na hangin ang naranasan sa mga lalawigan ng Zambales, Bataan, Cavite, Tarlac at Nueva Ecija.
Samantala, sinabi naman ni Pagasa weather forecaster Gener Quitlong na nalusaw na ang low pressure area (LPA) na kanilang minomonitor pero patuloy na nakakaapekto ang southwest monsoon o hanging habagat.
Pag-ulan sa San Marcelino St., sa Maynila | @albarmarch22 pic.twitter.com/WRzoogyhbg
— RadyoInquirer990AM (@dzIQ990) June 21, 2018
Pag-ulan sa Pasong Tamo St., sa Makati City | @albarmarch22 pic.twitter.com/ByAXPGGJV4
— RadyoInquirer990AM (@dzIQ990) June 21, 2018
WATCH: Marami ang na-stranded na sasakyan at mga tao sa East Ave., partikular sa tapat ng Phil. Heart Center dahil sa mataas na baha. @dzIQ990 pic.twitter.com/MIi1L0ag39
— Isa Avendaño-Umali (@isaavendanoDZIQ) June 21, 2018
WATCH: Gutter-deep na ang baha sa Maginhawa, Teacher’s Village sa Quezon City dahil sa malakas na ulan. @dzIQ990 pic.twitter.com/4SUGoWBiDx
— Isa Avendaño-Umali (@isaavendanoDZIQ) June 21, 2018
WATCH: Halos ga-tuhod na ang baha sa ilang bahagi ng Kalayaan Avenue sa Quezon City dahil sa malakas na ulan. @dzIQ990 pic.twitter.com/NLnFMkpydH
— Isa Avendaño-Umali (@isaavendanoDZIQ) June 21, 2018
WATCH: Magkabilang bahagi ng East Ave., partikular sa tapat ng Phil. Heart Center, baha na at hindi na passable. @dzIQ990 pic.twitter.com/fY3QE17Jnf
— Isa Avendaño-Umali (@isaavendanoDZIQ) June 21, 2018
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.