Ombudsman itinanggi na nakipagsabwatan para maabswelto sa kaso si Bello

By Rohanisa Abbas June 21, 2018 - 05:23 PM

Inquirer file photo

Pinabulaanan ni Ombudsman Conchita Carpio Morales na ibinasura niya ang kaso laban kay Labor Secretary Silvestre Bello III para walang maging balakid sa application ng kalihim bilang susunod na Ombudsman.

Kinumpirma ni Morales ang pagbasura sa kasong graft at gross neglect of duty laban kay Bello nang siya’y dating general manager ng Philippine Reclamation Authority.

Na-dismiss ang kaso ng kalihim isang linggo bago ang kanyang pagsalang sa Judicial and Bar .

Sa ilalim ng Rule 4,Section 5 ng Rules ng JBC, hindi kwalipikado ang kandidato sa anumang judicial post o sa posisyon ng Ombudsman at Deputy Ombudsman kapag may kinakaharap itong kasong kriminal o administratibo.

Iginiit ni Morales na hinog na ang kaso para sa isang resolusyon bagaman sa preliminary investigation ito umabot noong nakaraang taon.

Gayunman aniya, patuloy ang paghahain ng mga mosyon ng respondents para sa maagang resolusyon para pabilisin ang kaso.

Sinabi ni Morales na marahil kumpyansa ang respondents na mahina ang reklamong isinampa laban sa kanya.

Nag-ugat ang kaso ni Bello sa kabiguan umano ng PRA na patawan ng multa ang Manila Bay Development Corp. na i-develop ang Central Business Park II sa Roxas Boulevard, Parañaque City noong 2002.

TAGS: Bello, graft, JBC, Morales, ombudsman, pra, Bello, graft, JBC, Morales, ombudsman, pra

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.