Kongresistang may kasong graft pinayagan na magpagamot sa Germany

By Isa Avedaño-Umali June 21, 2018 - 04:50 PM

Radyo Inquirer

Pinayagan ng Sandiganbayan 6th Division si Davao Del Norte Rep. Antonio Floirendo na magpunta sa Germany para makapagpagamot.

Sa amended motion to travel ng kongresista, bibiyahe siya mula June 23 hanggang sa July 13.

Subalit bago dumiretso ng Germany ay magkakaroon muna siya ng stop-over sa Hong Kong.

Base sa hiling ni Floirendo, nais niyang magpagamot sa Ticeba facilities na nasa Heidelburg, Germany na kilala sa stem cell and regenerative medicine.

Si Floirendo ay sinasabing may history ng COPD o Chronic Obstructive Pulmonary Disease at may iniindang injury sa tadyang dahil sa kinasangkutang helicopter crash.

Kinailangan ng kongresista na humingi ng permiso sa korte para makabiyahe dahil may hinaharap siyang kasong katiwalian kaugnay ng Tadeco-Bucor deal.

TAGS: copd, floirendo, Germany, graft, sandiganbayan, tadeco deal, copd, floirendo, Germany, graft, sandiganbayan, tadeco deal

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.