Ipinauubaya na ng Malacañang sa publiko ang pagpapasya kung tatanggapin o hindi ang pagtakbong Senador ni ousted Chief Justice Maria Lourdes Sereno.
Ayon kay Presidential Spokesman Harry Roque, mas makabubuti na si Sereno na rin ang magdeklara kung tatakbo siyang Senador.
Sa ngayon, sinabi ni Roque na mas makabubuting tanggapin na lamang ng publiko ang naging pagpapasya ng Korte Suprema sa kapalaran ni Sereno.
Pinatalsik ng Mataas na Hukuman si Sereno sa pamamagitan ng quo warranto petition dahil sa pagdedeklara ng hindi tamang Statement of Assets Liabilites and Networth.
Sinabi pa ni Roque na personal na para kay Sereno ang kanyang mga plano sa buhay.
“I have said it over and over again that the court is the final arbiter of all legal controversies. Love the decision, hate the decision, we need to accept the decision, former Chief Justice Sereno appears to have accepted her fate. let’s do the same”, dagdag pa ng opisyal.
Nauna dito ay sinabi ni Liberal Party President Kiko Pangilinan na welcome sa kanilang hanay si Sereno sakaling sumabak ito sa senatorial race sa 2019 elections.