Mabagal na tulong sa mga apektado ng pagsasara ng Boracay naungkat sa Kamara

By Erwin Aguilon June 21, 2018 - 04:31 PM

Inquirer file photo

Ikinagulat ng ilang mga mambabatas ang ulat ng Department of Environment and Natural Resources na kaunti pa lamang na apektado ng Boracay closure ang nabigyan ng tulong ng gobyerno.

Sa pagdinig ng House Committee on Natural Resources, sinabi ni Rep. Arnel Ty, pinuno ng komite na hindi katanggap tanggap na maliit na pondo pa lamang ang nailalabas na tulong para sa mga taga Boracay.

Dismayado rin ito dahil sa pahayag ni Malay, Aklan Mayor Ceciron Cawaling na sumasakit na ang kanyang ulo dahil sa dami ng lumalapit sa kanyang tanggapan upang humingi ng tulong.

Kinuwestyon naman ni Negros Occidental Rep. Albee Benitez kung ano ang nangyari sa mahigit labindalawang libong katao na humihingi ng tulong.

Sa pagharap sa komite sinabi ni Labor Assistant Secretary Joji Aragon na mahigit limang libo pa lamang ang nag avail ng tulong ng pamahalaan.

Habang sa P450 Million na pondo ng pamahalaan para pantulong sa mga apektado ng pagsasara ng Boracay ay P20 Million pa lamang ang naipapamahagi.

TAGS: aklan, benitez, boracay, ty, aklan, benitez, boracay, ty

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.