Paghahanda sa “the big one” hindi dapat kalimutan ayon sa pamahalaan

By Isa Avedaño-Umali June 21, 2018 - 04:25 PM

Photo: Isa Umali

Isang malakas na 7.2 magnitude na lindol ang tumama sa bansa… kanya-kanyang likas ang mga tao, habang nasira ang ilang establisimyento … ilan lamang ito sa mga scenario sa 2nd quarter National Simultaneous Earthquake Drill o NSED.

Sa Barangay Sta. Cruz, San Mateo, Rizal ginawa ang main earthquake preparedness drill.

Pinangunahan ito nina DILG OIC Eduardo Año, NDRRMC Exec. Dir. Ricardo Jalad at iba pang opisyal ng gobyerno.

Kabilang pa sa mga eksena ay ang pag-duck cover and hold ng mga residente ng barangay at mga estudyante, mga guro at staff ng Nuestra Señora De Aranzazu Parochial School.

Maging ang mga customer at crew ng isang fast food chain ay nakibahagi sa earthquake drill.

Makapal na usok naman ang nakita sa San Mateo City Hall kung saan ay dumating ang mga ambulansya at mga bumbero upang iligtas ang mga na-trap.

Pinagkagulahan naman ang isang motorista na sugatan at walang malay habang nasusunog ang kanyang sasakyan.

Agad na ni-rescue ng mga medical personnel ang biktima, at rumesponde rin ang mga bumbero.

May eksena rin ang mga preso… sila’y pinalabas upang mailigtas mula sa pagbagsak ng kanilang kukungan.

Gayunman, isang preso ang nagtangkang tumakas at nagpumiglas na agad na naharang at muling naaresto ng mga pulis.

Pero huwag mag-alala, hindi sila tunay na bilanggo at sa katunayan, sila ay mga aktwal na pulis na naging bahagi ng drill.

Ang lahat ng mga eksena ay hindi totoo, subalit posibleng mangyari kapag naganap ang “The Big One” o napakalakas na lindol ang sa mga opisyal na nakisa sa nasabing drill.

Ilang beses nang ginawa ang earthquake drills, pero nais ng gobyerno na magsagawa pa rin ng mga ito upang masanay ang mga tao kung ano ang mga nararapat na gawin kapag may malakas na lindol.

Sinabi ni NEDA Usec. Jose Miguel Dela Rosa na ang malaking kalamidad gaya ng malakas lindol ay may malaking epekto sa bansa, gaya ng kahirapan at sa ekonomiya.

Kaya kailangan na magtulong tulong ang lahat upang maiwan ang casualties at pagkasira ng maraming ari-arian.

Sinabi naman ni Año na mahalaga na handa ang bawat isa, kaya sana raw ay nakikiisa ang lahat kapag may quake drill ang gobyerno, at tandaan na “mas ligtas ang may alam.”

TAGS: DILG, earthquake drill, NDRRMC, san mateo city hall, DILG, earthquake drill, NDRRMC, san mateo city hall

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.