Basura ang sinasabing pangunahing dahilan ng naganap na pag-baha sa ilang mga lugar sa Baguio City sa kasagsagan ng bagyong Lando.
Sa report ng Office of the Civil Defense sa Cordillera Autonomous Region (OCD-CAR), umabot ng lampas tao ang baha sa Cam Lagoon samantalang umapaw din ang tubig sa Burnham Park lake.
Umapaw din ang daanan ng mga tubig sa paligid ng Loakan Airport na naging dahilan ng mataas na baha sa lugar.
Ilang oras ding nawalan ng supply ng kuryente sa makaling bahagi ng lungsod dahil sa mga nagbagsakang poste ng kuryente simula pa kahapon. Pahirapan din ang komunikasyon sa lugar dahil sa mga nasirang cell sites.
Dahil sa lakas ng pag-ulan na dulot ng bagyong Lando, nagresulta ito ng landslides at mudslides sa ilang mga lugar.
Nananatili namang sarado ang Kennon Road sa daloy ng trapiko para na rin sa kaligtasan ng mga motorist.
Idinagdag pa ng OCD-NCR na umaabot sa halos ay 200 families ang kasalukuyan ngayong nanunuluyan sa ilang evacuation centers sa lungsod makaraang lumubog sa tubig-baha ang kanilang mga tahanan.
Wala namang naireport na namatay sa Baguio City sa pananalasa ng bagyong Lando.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.