TV airtime sa susunod na mga presidential debate pinapadagdagan ni Pangulong Duterte

Umaapela si Pangulong Rodrigo Duterte sa pamunuan ng iba’t ibang TV stations sa bansa na bigyan ng tig-tatlumpung minutong airtime ang bawat kandidato kapag nagsagawa ng presidential debate.

Paliwanag ng pangulo, ito ay para mabigyan ng pagkakataon ang bawat kandidato na makapag latag ng kani-kanilang plataporma.

Kalokohan aniya ang isang minuto at tatlumpong segundong time limit na ibinigay sa bawat kandidato.

“So ‘yung presidential debates we were only given a minute and a half. So what can you accomplish with a minute and a half? You know if I were to go back in time, in the hindsight, I would tell them that it’s: Do not do it, it’s crazy. This is just my advice to the TV networks. It’s… You know if you want to listen to a politician or to a government worker and hear him out what he wants to do for his country, just give him mga 30 minutes to expound. Pero ‘yung ganun na we were only given one minute to… Ah kalokohan ‘yan. It’s just for advertising and everything, make money,”

Sinabi pa ng pangulo na pamemera at advertisement lamang ang layunin ng mga TV station sa presidential debate na isa’t kalahating minuto lamang.

Read more...