Mental Health Law nilagdaan na ni Pangulong Duterte

Nilagdaan nani Pangulong Rodrigo Duterte ang Mental Health Law bilang isang ganap na batas.

Sa ilalim ng nasabing batas, mapagkakalooban ng mas abot-kaya at mas mabilis na serbisyo ang mga Pinoy na nakararanas mental health problems.

Inanunsyo ni Senator Risa Hontiveros ang paglagda ng pangulo sa nasabing batas. Si Hontiveros ang author at principal sponsor ng Mental Health Law.

Habang co-author naman niya sina Senate President Vicente Sotto III, Senators Loren Legarda, Antonio Trillanes IV, Paolo Begino Aquino IV, Sonny Angara at Joel Villanueva.

Ani Hontiveros, poprotektahan ng batas ang karapatan ng mga taong may mental health needs gayundin ng mga mental health professionals.

Ibababa din hanggang sa barangay level ang mga serbisyo para sa mga na dumaranas nito at magkakaroon ng mental health education sa mga paaralan at mga kumpanya.

Sa datos ng World Health Organization, noong taong 2012, mayroong 2,558 na kaso ng mga Pinoy na nagpakamatay o average ng pitong kaso kada araw.

Read more...