China nasa likod ng panibagong cyber attacks sa ilang US firms
Inakusahan ng isang US Security Company ang pamahalaang China na nasa likod ng mga panibagong cyber attacks sa ilang mga US technology firms at pharmaceutical companies.
Sinabi ni Crowdstrike Inc. co-founder Dmitri Alperovitch na natuklasan nila ang nasabing cyber attacks dahil sa gamit na mga softwares at servers ng grupong nasa likod ng tinatawag na “Deep Panda” team.
Ayon sa Crtowdstrike, gumamit ang grupo ng sotware na kilala sa tawag na “Derusbi” na kanila ring ginamit nang kanilang pasukin ang website ng VAE Inc. na isang malaking Defense Contractor na naka-basesa Virgina USA.
Naganap ang nasabing pag-atake ilang linggo makaraang lagdaan nina U.S President Barrack Obama at Chinese Leader Xi Jinping ang isang kasunduan na hindi gagawa nang anumang uri ng cyber attack ang dalawang bansa laban sa isa’t-isa.
Nakapaloob sa kasunduan na hindi nila kapwa pakiki-alaman ang mga corporate secrets, domestic businesses at intellectual properties ng mga kumpanyang naba-base sa US at China.
Base sa pagmomonitor ng Crowdstrike Inc., unang naganap ang cyber attack sa ilang pharamaceutical firms sa U.S noong nakalipas na September 26 o isang araw makaraan ang makasaysayang lagdaan ng kasunduan nina Obama at Xi.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.