Ayon sa Lanao del Sur Disaster Risk Reduction Management Office, tinatayang nasa 2,325 pamilya na o 11,605 katao na ang lumikas sa mga bayan ng Binidayan, Pagayawan at Tubaran.
Pinakamarami ang naitala sa Tubaran kung saan 387 pamilya ang naninitahan sa evacuation centers, habang 336 pamilya ang home-based evacuees o naninirahan sa ibang bahay.
Aabot naman sa 591 pamilya ang lumikas sa Binidayan, habang 355 pamilya ang naninirahan sa evacuation centers sa Pagayawan at 229 pamilya ang home-based evacuees.
Tiniyak ni Joint Task Force Ranao deputy commander Col. Romeo Brawner na hindi na rin magtatagal ang pagtugis ng militar kay Abu Dar.
Ayon kay Brawner, nabakuran na ng militar ang lugar na pinagtataguan ng Maute group. Nakubkob na rin ng militar ang kampo nina Abu Dar.