Pagpapaaresto sa mga tambay legal ayon sa isang lider ng kamara

By Erwin Aguilon June 21, 2018 - 09:06 AM

Nakakuha ng kakampi mula sa kamara ang ginagawang pagpapaaresto ni Pangulong Rodrigo Duterte sa mga tambay.

Ayon kay House Committee on Government Reorganization Chairman at Camiguin Rep. Xavier Jesus Romualdo, may legal na batayan ang utos ng pangulo.

Paliwanag nito, maaring pauwiin ng mga otoridad ang mga tambay at arestuhin kung magmamatigas na magpakalat-kalat sa lansangan.

Nakasaad aniya sa New Civil Code na ‘public nuisance’ na maituturing ang pagkalat sa mga lansangan dahil sagabal ito sa iba bukod pa sa nakakaapekto ang mga tambay sa komunidad at mga kapitbahay.

Iginiit nito na ang public nuisance ay maaring sugpuin ng walang anumang judicial proceedings.

Bukod dito, mayroon din anyang mga ordinansa ang mga lokal na pamahalaan na maaring gawing batayan ng pag aresto.

TAGS: new civil code, PNP operation, public nuisance, new civil code, PNP operation, public nuisance

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.