29 magtatapos bilang Summa Cum Laude sa UP sa Linggo

UP Photo

Kabilang sa magsisipagtapos sa 107th Commencement Exercises ng University of the Philippines sa Linggo ang 29 na Summa Cum Laude.

Napili ang mag-aaral na si China Marie Guilani Gabriel na magtatapos sa kursong Bachelor of Arts in Broadcast Communication bilang Valedictory Speaker.

Batay sa mga larawang ibinahagi ng UP Diliman sa Facebook, ang magtatapos nang may pinakamataas na weighted average ay si Ernest P. Delmo na nakakuha ng Weighted Average Grade na 1.086 sa kursong Bachelor of Science in Chemical Engineering.

Samantala, si Sen. Loren Legarda ang commencement speaker sa naturang graduation rites kung saan siya rin ay tatanggap ng honorary Doctor of Laws degree.

Nagtapos si Legarda ng Cum Laude sa kanyang Broadcast Communication degree sa UP noong 1981.

Read more...