Pumayag na si Senadore Leila de Lima na pangunahan ang petisyon ng minorya ng Senado na layong bawiin ang pag-alis ng Pilipinas sa International Criminal Court (ICC).
Ito ang inanunsyo ni Senador Kiko Pangilinan at sinabing si de Lima ang magiging lead counsel at co-petitioner ng kaso.
Ngunit sinabi naman ni Pangilinan na kakailanganin pa muna nila ng approval ng Supreme Court dahil kasalukuyang nakakulong si de Lima sa Philippine National Police (PNP) Custodial Center dahil sa kasong may kaugnayan sa droga.
Paliwanag ni Pangilinan, napili ng oposiyon si de Lima para pangunahan ang petisyon dahil mayroon itong karanasan matapos maging dating kalihim ng Department of Justice (DOJ) at human rights commissioner.
Alas-2 ng hapon ng July 24, nakatakdang magaganap ang oral arguments sa Korte Suprema.