Mga bagong plaka ng sasakyan ilalabas na ng LTO sa Hulyo
Nagsimula nang ipamahagi sa mga rehiyon ng Land Transportation Office (LTO) ang mga license plates ng mga sasakyan na nakarehistro mula July hanggang October 2016.
Ito ang inanunsyo ng ni LTO Assistant Secretary Edgar Galvante sa pamamagitan ng isang pahayag.
Aniya, sabay-sabay na ipamamahagi ng LTO sa buong bansa ang mga plaka sa unang linggo ng Hulyo.
Paliwanag ni Galvante, mismong ang LTO ang magpapaalam sa mga may-ari ng sasakyan kung anong petsa nila maaaring kuhanin ang kanilang mga plaka.
Hiling ng opisyal, hintayin ng mga car owners ang notification mula sa ahensya upang hindi na magsayang pa ng panahon at pumunta sa field offices ng LTO at malamang hindi pa pala maaaring makuha ang kanilang plaka.
Samantala, para naman sa mga plaka ng motorsiklo, sinabi ni Galvante na pending pa ang mga ito dahil hinihintay nila ang pag-apruba ng Kongreso sa panukalang lakihan ang mga plaka para sa motorsiklo.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.