10 hanggang 14 pang bagyo ang papasok sa bansa ngayong taon – PAGASA

Inanunsyo ng PAGASA na nasa 10 hanggang 14 bagyo ang inaasahan pang papasok ng bansa hanggang sa katapusan ng taon.

Ayon kay PAGASA Climate Monitoring and Prediction Section officer-in-charge Ana Liza Solis, karamihan sa mga bagyong ito ay papasok sa pagitan ng Hulyo hanggang Setyembre.

Inaasahan naman na karamihan sa mga bagyo sa huling quarter ng taon ay tatama sa lupa.

Iginiit ni Solis na sakaling nasa 10 hanggang 11 bagyo lamang ang pumasok ngayong taon sa bansa ay epekto ito ng El Niño.

Ang normal na bilang ng bagyo na pumapasok sa Pilipinas kada taon ay nasa 19 hanggang 20.

Noong 2015, 15 bagyo lamang ang tumama sa bansa dahil sa El Niño.

Read more...