COMELEC inanunsyo ang deadline para sa pagpaparehistro ng political parties para sa 2019 elections

Inanunsyo na ng Commission on Elections ang deadline ng paghahain ng ‘petitions for registration’ ng mga political parties para sa 2019 elections.

Sa press release ng COMELEC, hanggang June 15 na lamang maaaring maghain ng petisyon para makapagparehistro ang mga political parties.

Habang ang deadline naman ng pagpaparehistro ng ‘coalition of political parties’ ay sa August 31.

Nagpaalala si Comelec Spokesperson James Jimenez sa mga political parties na bigong makalahok sa 2013 and 2016 elections na huwag kalimutan ang nasabing mga petsa.

Sa pinakahuling datos ng Clerk of the Commission, mayroon umanong 169 nakarehistro o ‘accredited’ political parties sa buong bansa sa kasalukuyan.

Samantala, magpapatuloy naman ang voter registration sa July 2 hanggang September 29.

Read more...