El Niño mararanasan sa huling bahagi ng taon – PAGASA

By Rhommel Balasbas June 21, 2018 - 04:54 AM

Ibinabala ng PAGASA ang posibilidad ng pag-arangkada ng isang mahinang El Niño sa huling bahagi ng taon.

Ayon kay PAGASA Climate Monitoring and Prediction Section officer-in-charge Ana Liza Solis, ipinapakita ng mga pinakahuling datos ng World Meteorological Organization ang unti-unting pag-init ng tropical Pacific na kalauna’y magdudulot ng posibleng mahinang El Niño sa fourth quarter ng taon.

Inaasahan ng weather bureau ang ‘near average’ hanggang ‘slightly warmer than average’ na air temperatures sa mas malaking bahagi ng bansa sa nasabing panahon.

Neutral condition naman anya ang mararanasan mula Hunyo hanggang Agosto.

Inaasahan ang below to near normal rainfall sa maraming bahagi ng buwan mula Hulyo hanggang Disyembre.

‘Above normal rains’ naman ang mararanasan sa susunod na buwan sa western section ng Luzon partikular sa Pampanga, Zambales at mga bahagi ng Ilocos Region.

TAGS:

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.