Pangulong Duterte nagbantang ilalabas ang sex video ni Sen. de Lima

By Chona Yu June 21, 2018 - 02:03 AM SHARE(S):

Galit na nagbanta si Pangulong Rodrigo Duterte na ilalabas niya ang sex video ni Senadora Leila de Lima matapos batikusin ng senadora ang paghalik niya sa isang Pinay sa south korea.

Sa kanyang talumpati sa Iloilo, nagalit ang pangulo sa pagpuna ni de Lima na bastos umano ang paghalik niya sa isang may asawang Pilipina na nasa Seoul.

Depensa ni Duterte, hindi bastos ang kanyang paghalik sa Pinay dahil humingi siya ng permiso sa babae.

Binanggit pa ng pangulo na sa katunayan, pagdating niya sa airport sa Iloilo, dalawang matandang babae ang nakipag halikan sa kanya nang lips-to-lips.

Ayon sa pangulo, nakalimutan ni de Lima na siya ang pinakaunang nagpakita ng kabastusan.

TAGS:

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.