Nais suriin ng kampo ni dating Pangulong Noynoy Aquino ang desisyon ng Office of the Ombudsman na kasuhan na ito at si dating Budget Secretary Butch Abad kaugnay ng Disbursement Acceleration Program (DAP).
Sa pahayag ng tagapagsalita ni Aquino na si Abigail Valte, sinabi nito na wala pa silang natatanggap na kopya ng desisyon ng Ombudsman na may probable cause para kasuhan ang dating Pangulo at dating kalihim.
Ayon kay Valte, curious sila na pag-aralan kung paano binaligtad ng Ombudsman ang una nitong desisyon.
Binanggit ni Valte na sa unang desisyon ay walang nakitang pananagutan ang Ombudsman para sampahan si Aquino ng kaso dahil sa DAP.
Matatandaan na idineklara ng Korte Suprema na unconstitutional ang DAP na ipinatupad sa ilalim ng administrasyong Aquino.