Mga kabataan nagprotesta dahil sa panghuhuli ng mga tambay
Iprinotesta ng Akbayan Youth ang pinaigting na kampanya ng Philippine National Police (PNP) laban sa mga tambay sa kalsada.
Ipinahayag ni Justine Balane ng Akbayan Youth na matagal nang hindi itinuturing na krimen ang pagtatambay, simula pa noong 2012.
Dagdag ni Balane, maging ang PNP ay aminado na wala pa silang guidelines sa kanilang operasyon.
Sinabi rin ng grupo na posibleng maituring pa ito na pinakamalaking “illegal detention case” dahil maging ang mga taong nasa labas ng bahay ng kanilang mga kaibigan na walang ilegal na ginagawa ay hinuhuli.
Sa kabuuan, aabot sa 7,291 katao na lumabag sa mga ordinansa ang inaresto ng National Capital Region Police Office sa loob ng isang linggo.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.