Mga tambay sa West Philippine Sea dapat ipahuli ng pangulo ayon kay isang mambabatas

By Erwin Aguilon June 21, 2018 - 02:33 AM

Ipinahuhuli ni Bayan Muna Representative Carlos Isagani Zarate kay Pangulong Rodrigo Duterte at sa Philippine National Police (PNP) ang mga tambay sa West Philippine Sea.

Ayon kay Zarate, sa halip na mga tambay sa kalye ang targetin ng PNP mas makabubuti para sa bansa kung ang mga tambay sa West Philippine Sea ang palalayasin.

Dapat aniyang pinupuntirya ng pamahalaan ang mga Chinese fisherman at coast guard dahil ang mga ito ang “tambay” na perwisyo sa bansa lalo na sa mga maliliit na mangingisda.

Ang mga ito rin aniya ang nakikinabang sa likas na yaman ng bansa sa West Philippine Sea.

Reaksyon ito ni Zarate kaugnay sa utos ng pangulo na arestuhin ang mga tambay sa lansangan.

TAGS:

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.