Umaapela ang Palasyo ng Malacañan kay ousted Chief Justice Maria Lourdes Sereno na tuldukan na at ituring nang final chapter ng drawn-out drama ang pagpapatalsik sa kanya ng Supreme Court sa pamamagitan ng quo warranto petition dahil sa hindi pagdedeklara ng tamang Stament of Assets Liabilities and Networth (SALN).
Ayon kay Chief Presidential Legal Counsel Salvador Panelo, si Sereno rin ang gumawa ng kanyang kapalaran.
Katwiran pa ni Panelo, maaaring malupit ang batas pero iyon ang batas na dapat na sundin sa Pilipinas.
Ayon kay Panelo, nakasaad sa Konstitusyon na ang Korte Suprema ang maaaring mag-interpret ng batas.
Matatandaang pinatalsik noong June 19 ng SC si Sereno sa botong 8-6 dahil sa maling SALN.
READ NEXT
COMELEC inanunsyo ang deadline para sa pagpaparehistro ng political parties para sa 2019 elections
MOST READ
LATEST STORIES