Bakuna kontra tigdas nilalangaw dahil sa Dengvaxia controversy

Kaunti lang ang nagpapabakuna sa anti-measles vaccination coverage ng Department of Health dahil sa kontrobersiya sa Dengvaxia.

Ayon kay Health Undersecretary Enrique Domingo, marami sa mga magulang ang ayaw pabakunahan ang kanilang mga anak at nahihirapan anya ang health workers na kumbinsihin ang mga ito dahil sa isyu.

Nalulungkot ang opisyal dahil mahalaga ang bakuna para maiwasan ang pagkakaroon ng tigdas ng mga bata.

Inilunsad ng DOH ang programang National Ligtas Tigdas sa Metro Manila at Mindanao mula April 25 hanggang May 24 at May 9 hanggang June 8 kung saan may mga lugar na naitala ang outbreak.

Gayunman, 24.24 percent lang ng 1,408,845 na target na bilang ng bata ang nakatanggap ng bakuna kontra-tigdas sa Metro Manila habang 68.98 naman ng 2,796,673 lang ang nakatanggap sa Mindanao.

Dahil dito, pinalawig ng DOH ang programa at umapela sa publiko na huwag sayangin ang pagkakataon na maibigay sa mga bata ang bakuna na pinakamabisang paraan para maiwasan ang tigdas.

Read more...