Dead on the spot ang isang lalaki matapos itong pagbabarilin sa loob mismo ng sinasakyang taxi sa Upper Bicutan sa Taguig.
Sinasabing isang hindi nakikilang suspek na nakasuot ng itim na damit ang nasa likod ng pamamaril.
Nasugatan dahil sa naturang insidente ang taxi driver na kaagad namang isinugod sa ospital.
Ayon sa mga otoridad, mayroon pang dalawang sakay ang taxi na nasa back seat. Nang maganap ang pamamaril ay mabilis na tumakbo papalayo ang mga ito.
Lumabas sa inisyal na imbestigasyon ng mga otoridad na ang nasawing pasahero ang tunay na target ng pamamaril dahil tanging ang passenger side ng taxi ang puro tama ng bala.
Sa ngayon ay wala pang pagkakakilanlan ang biktima.
Patuloy naman ang ginagawang imbestigasyon ng mga otoridad upang malaman ang motibo sa pamamaslang at ang pagkakakilanlan ng salarin.