Airport personnel pinagbawalan ni Duterte na makialam sa bagahe ng mga turista
Pinagbabawalan na ni Pangulong Rodrigo Duterte ang mga airport personnel na huwag pakialaman ang bagahe ng mga turistang pumapasok sa bansa.
Sinabi ng pangulo na mula ngayon ay tanging si Immigration Commissioner Jaime Morente lamang ang otorisadong mag-check sa mga bagahe ng mga turista.
Sapat naman umano ang x-ray machines sa mga airports para makita kung may mga iligal na kontrabandong dala ang mga pumapasok na turista sa bansa.
Kapag may nabalitaan umano siyang katiwalian na kinasasangkutan ng mga airport personnel ay kaagad niyang ipatatapon sa malalayong lalawigan sa Mindanao ang mga ito.
Nagbabala rin ang pangulo na iwasan ang mga tauhan sa mga paliparan ang magparinig sa mga turista para manghingi ng tip.
Tiniyak rin ng pangulo na tuloy ang kanyang kampanya kontra sa korapsyon sa hanay ng mga opisyal at tauhan ng pamahalaan.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.