Paglalabas ng Poe-Escudero senatorial line-up naunsyami dahil sa bagyo

By Chona Yu October 19, 2015 - 04:00 PM

INQUIRER PHOTO / GRIG C. MONTEGRANDE
INQUIRER PHOTO / GRIG C. MONTEGRANDE

Dahil sa pananalasa ng bagyong Lando kaya ipinagpaliban na muna ni Senador Grace Poe ang pag aanunsyo ng listahan ng mga makakasama sa Senatorial line up ng kanilang tandem ni Sen. Chiz Escudero.

Ayon kay Poe, mas makabubuting pagtuunan na muna ng pansin ang pagtulong sa mga nabiktima o sa mga nasalanta ng bagyong Lando.

Nakatakda sana ngayong araw ang pag-aanunsyo nina Poe at Escudero sa kanilang Senatorial line up.

Pero umaasa si Poe na bago matapos ang linggong ito ay maisasagawa nila ang formal announcement ng kanilang buong Senatorial slate.

Ilan sa mga napapabalitang kasama sa line-up ng Poe-Escudero tandem sina Sen. Tito Sotto, Valenzuela Cong. Rex Gatchalian, Manila Vice-Mayor Isko Moreno, Pasig Rep. Roman Romulo at Bayan Muna Partylist Rep. Neri Colmenares.

Paglilinaw ni Poe,  hangga’t wala siyang ginagawang anunsyo ay hindi pa masasabing opisyal nang kasama ang mga nabanggit na pulitiko sa kanyang official Senatorial line-up.

TAGS: 2016, escudero, poe, Senatorial line-up, 2016, escudero, poe, Senatorial line-up

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.