Duterte napikon kay De Lima at nagbantang maglalabas ng sex video ng mambabatas

By Chona Yu, Den Macaranas June 20, 2018 - 07:23 PM

Hindi nagustuhan ni Pangulong Rodrigo Duterte ang ginawang pagbatikos sa kanya ng nakakulong na si Sen. Leila De Lima.

May kaugnayan pa rin ang isyu sa ginawang paghalik ng pangulo sa labi ng isang OFW sa South Korea kamakailan.

Sinabi ng pangulo na hindi kabastusan ang kanyang ginawa at tinawag na mas bastos ang ginawa ng mambabatas na nakipag-relasyon sa isang lalaking may asawa.

Nagbanta rin ang pangulo na ilalabas niya ang sex video ni De Lima kapag hindi ito tumigil sa pagbatikos sa kanya.

Sinabi pa ng pangulo na pagdating niya sa paliparan sa Iloilo City kanina ay dalawang babaeng matanda umano bumati sa kanya at hinalikan siya sa labi.

Hindi naman umano maituturing na kabastusan ang ginawa sa kanya ng nasabing mga may edad na ring mga kababaihan.

TAGS: de lima, duterte, relasyon, sex video, south korea, de lima, duterte, relasyon, sex video, south korea

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.