P750 na minimum daily wage delikado sa ekonomiya ayon sa DTI

Inquirer file photo

Naniniwala si Trade Sec. Ramon Lopez na dapat na ibase sa inflation ang pagbibigay ng umento sa sahod sa mga manggagawa.

Sa pulong balitaan sa Malacañang, sinabi ni Lopez na ito ay para masiguro na walang negatibong epekto sa ekonomniya ang pagtatas ng sweldo ng mga manggagawa.

Patuloy pa rin aniyang ikinukunsidera ng gobyerno ang minimal adjustment sa sweldo ng mga mangagaawa at dapat itong ibatay sa naging inflation rate sa iba’t-ibang rehiyon sa bansa.

Pero ang Regional Tripartite Wages and Productivity Board pa rin naman ang bahala na mag-takda kung magkano ang idadagdag sa sweldo ng mga mangagawa.

Paliwanag pa ni Lopez, kailangang maging kalkulado ang pagtaas ng sweldo ng mga mangagawa dahil magkakaroon ito ng epekto sa presyo ng mga produkto at ng buong ekonomiya ng bansa.

Kaya naman naniniwala si Lopez na delikado sa ekonomiya ng bansa ang hinihiling na P750 kada araw na minimum wage ng mga militanteng grupo dahil sa matinding negatibong epekto nito sa mga negosyo at sa mga presyo ng bilihin sa buong Pilipinas.

Read more...