Eskwelahan sa Olongapo City binulabog ng bomb threat

By Donabelle Dominguez-Cargullo June 20, 2018 - 01:18 PM

Photo: Inquirer Correspondent Allan Macatuno

Binulabog ng bomb threat ang isang paaralan sa Olongapo City.

Pinalabas muna ng paaralan ang lahat ng empleyado at mga mag-aaral ng Gordon College makaraang makatanggap ng text message ang isa sa mga empleyado na mayroong pampasabog sa naturang eskwelahan.

Ipinadala umano ang text alas 7:00 ng umaga nang papasimula na sana ang klase.

Ayon kay Sr. Insp. Norman San Esteban, ground commander ng Explosive Ordnance Disposal (EOD) team ng Olongapo City Police Office para maiwasan na mag-panic ang mga mag-aaral at maging mapayapa ang kanilang paglabas ay nagdeklara ng disaster drill ang pamunuan ng eskwelahan.

Matapos makalabas lahat ay doon na ginalugad ng mga pulis ang buong paaralan pero walang nakitang bomba.

Alas 11:00 ng umaga nang ideklarang cleared sa bomba ang paaralan at muling nagbalik sa normal ang klase.

TAGS: bomb scare, Gordon College, Olongapo City, bomb scare, Gordon College, Olongapo City

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.