Pag-uwi sa bansa ni Joma Sison sa Agosto hindi pa kumpirmado ayon sa Malakanyang

By Chona Yu June 20, 2018 - 12:38 PM

Aminado ang Malakanyang na wala pang kumpirmasyon ang kanilang hanay kaugnay sa ulat na uuwi ng bansa sa buwan ng Agosto si Communist Party of the Philippines founding chairman Jose Maria Sison para sa peace talks.

Ayon kay Presidential Spokesman Secretary Harry Roque, ang malinaw ay naiparating ni Pangulong Rodrigo Duterte na sa Pilipinas at hindi sa Norway gaganapin ang peace talks

Sinabi pa ni Roque na wala rin siyang natatanggap na impormasyon mula kay Presidential Peace Adviser on the Peace Process Jesus Dureza na payag nang bumiyahe ng Pilipinas si Sison para sa pagbabalik ng peace negotiation.

Si Dureza ay nasa Norway sa kasalukuyan at personal na ipinapaalam sa liderato ng CPP ang pinakahuling pasiya ng presidente tungkol sa peace talks.

Una rito, sinabi ni NDF Consultant Rey Casambre na uuwi ng bansa si Sison sa Agosto.

TAGS: CPP NPA NDF, Harry Roque, Joma Sison, peace negotiations, Rodrigo Duterte, CPP NPA NDF, Harry Roque, Joma Sison, peace negotiations, Rodrigo Duterte

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.