P1.1M na halaga ng shabu nakumpiska sa isang lola at dalawa nitong kaanak sa Batangas

By Donabelle Dominguez-Cargullo, Inquirer Southern Luzon June 20, 2018 - 12:15 PM

Nasabat ng mga otoridad ang aabot saP1.1 million na halaga ng ilegal na droga mula sa isang 82 anyos na lola at dalawa niyang kaanak sa Batangas City.

Kinilala ang mga nadakip na suspek na sina Estelita Andal, 82 anyos; anak niyang si Circoncicion Andal, 59 anyos at manugang ni Estelita na si Danilo Ramos, 32 anyos.

Sa ulat ng Batangas police headquarters, isinagawa ang buy-bust operation target si Ramos alas 11:0 0 ng gabi ng Martes sa Barangay Calicanto.

Nakuha mula sa mga suspek ang 59 sachets ng hinihinalang shabu at P15,000 na marked money.

Sinabi ni Supt. Sancho Celedio, hepe ng Batangas City police, matagal nang nagbebenta ng ilegal na droga si Estelita.

Bago ang pagdakip, nalaman pa sa isinagawang surveillance na nagpupunta pa ng palengke ang sina Estelita at anak niya para doon gawin ang mga transaksyon.

TAGS: batangas city, Illegal Drugs, War on drugs, batangas city, Illegal Drugs, War on drugs

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.