USAP-usapan ngayon na babakas na rin sa telecom business ang isang kilalang gambling lord sa Luzon.
Bagaman hindi siya ang direktang kausap ng telecom giant na papasok sa bansa, siya naman daw ang isa sa mga major investors ng negosyanteng magiging kapartner nito na babasag sa tinatawag na “duopoly”.
Bukod sa iligal na su-gal ay unti-unti na ring nag-divert sa ilang legal na negosyo ang pamilya ng bida.
Marami na siyang naitayong subdivision at realty companies sa isang lalawigan sa Central Luzon.
Bukod pa ito sa kontrobersiyal niyang parnership sa PCSO kaugnay sa operasyon ng small town lottery o STL.
Sinabi ng aking Cric-ket na handang magpakawala ng malaking pera si Mr. Gambling Lord dahil tiwala siya na mabilis na maibabalik ang kanyang investment lalo’t may basbas ng Malacanang ang nasabing proyekto.
Bukod pa ito sa kaibigan niya ang negosyanteng kapartner ng telecom giant na maglalagak ng investment sa telecom industry sa bansa.
Aabutin ng $2 bilyon ang halaga ng nasabing proyekto kaya maraming mga investors ang kaila-ngang kausapin ng kaibigan ni Mr. Gambling Lord.
Hindi nga lang malinaw kung magkano ang pakakawalang pera ng a-ting bida, pero sinabi ng aking Cricket na hindi ito magpapahuli dahil sa dami rin ng kanyang pera na itataya sa naturang proyekto.
Bago ang telecom project ay naglagay rin si Mr. Gambling Lord ng investment sa isang malaking car dealership na nag-ooperate naman sa Northern Luzon.
Ang gambling financier na susugal ng malaki sa isa sa mga major project ng pamahalaan sa larangan ng telecommunication ay si Mr. P….as in Pera.