Nominasyon para maging punong mahistrado tatanggihan ni Acting Chief Justice Carpio
Hindi pauunlakan ni Acting Chief Justice Antonio Carpio ang lahat ng nominasyon sa kanya para sa punong mahistrado oras na buksan na ng Judicial and Bar Council ang application sa posisyon.
Ipinahayag ni Carpio na ayaw niyang makinabang sa desisyon ng Korte Suprema na patalsikin si Maria Lourdes Sereno.
Aniya, paninindigan niya ang kanyang posisyon na hindi tamang patalsikin ang myembro ng korte sa pamamagitan ng quo warranto.
Gayunman, sinabi ni Carpio na bilang pansamantalang namumuno sa Korte Suprema ngayon, ipatutupad niya ang naging desisyon ng korte sa bakanteng pwesto kaya bubuksan ang application para sa punong mahistrado.
Nakatakdang magpulong ang JBC para talakyin ang selection process.
Sa ilalim ng Saligang Baras, inatasan ang pangulo na pumili ng itatalaga bilang punong mahistrado sa loob ng 90 araw mula sa listahan ng nominasyon ng JBC.
Hindi isasama sa listahan ang pangalan ng mga tumanggi sa nominasyon.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.