Pinal na pasya ng en banc sa quo warranto vs Sereno inaasahan na – Prof. Casiple
Hindi na nakabibigla ang pagpapatibay ng Korte Suprema sa desisyon nito sa quo warranto case laban sa napatalsik na chief justice Maria Lourdes.
Ayon sa political analyst na si Ramon Casiple, inasahan na niya na papaboran ng mas nakararaming mahistrado ang quo warranto.
“Maliwanag naman. From the start, sa tingin ko, bago pa man dinesisyunan ‘yong quo warranto, lines were drawn towards there. Alam mo na kung ano ‘yong mga desisyon ‘yong mga nasa isip ng mga justices. Ang question na naiwan actually, tatanggapin ba ‘yan? Syempre hindi tatanggapin ni Chief Justice ‘yan. Ang mas malaking tanong, tatanggapin ba ‘yan ng mga tao,” ayon kay Casiple sa panayam ng Radyo Inquirer
Aminado si Casiple na hindi naging maganda para sa kredibilidad ng Korte Suprema ang usapin.
Naniniwala siya na pulitika ang naging motibo sa paghahain ng kaso laban kay Sereno, batay pa na rin sa mga sentimyento ng mga mahistrado sa impeachment proceedings laban sa kanya sa Kamara.
Dagdag ni Casiple, sa gitna ng patuloy na pagsulong ni Sereno sa usapin, tila papunta na sa pulitika ang direksyon ng napatalsik na chief justice.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.