Mga kontrabando nakumpiska sa isinagawang inspeksyon sa Manila City Jail
Nagsagawa ng inspeksyon mga tauhan ng Bureau of Jail Management and Penology (BJMP), Manila Police District (MPD), at Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) sa Manila City Jail.
Sa isinagawang sorpresang inspeksyon, nasabat ng mga otoridad ang iba’t ibang kontrabando sa mga preso.
Kabilang sa nakuha sa mga bilanggo ang mga drug paraphernalia gaya ng improvised tooters, bladed weapons, mga matatalas na utensils, at power tools.
May nasabat ding mga sigarilyo at extension cords.
Wala namang nakuhang ilegal na droga.
Kasama sa isinagawang inspeksyon ang labingisang K9 units para matiyak na magagalugad ang lahat ng bawal na gamit na itinatago ng mga preso.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.