Lanao del Sur niyanig ng magnitude 3.5 na lindol

Bumbaran Lanao Del Sur

Niyanig ng magnitude 3.5 na lindol ang bayan ng Bumbaran sa Lanao Del Sur.

Naitala ang lindol sa 13 kilometers South ng Bumbaran alas 7:37 ng umaga ng Miyerkules, June 20.

May lalim lang na 5 kilometers ang lindol at tectonic ang origin.

Ayon sa Phivolcs, hindi naman ito inaasahang magdudulot ng pinsala at aftershocks.

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

Read more...