Umabot sa 486 na indibidwal ang nahuli sa iba’t ibang bahagi ng southern part ng Metro Manila simula alas 5:00 ng umaga kahapon (June 19) hanggang alas 5:00 ng umaga kanina (June 20).
Sa datos mula sa Southern Police District, sa 486 na nahuling lumabag sa iba’t ibang uri ng ordinansa sa mga nasasakupan nitong lugar, 119 ang nahuling nag-iinom sa lansangan, 94 ang walang suot na pang-itaas, 184 ang menor de edad na lumabag sa curfew, 43 ang naninigarilyo sa pampublikong lugar at 46 ang “tambay” o tinawag ng SPD na “night idlers”.
Pinakaramaraming nahuli sa Parañaque City na umabot sa 134 ang mga lumabag kabilang ang 22 katao na “tambay”.
Sumunod ang Las Piñas City na umabot sa 109 ang dinampot sa loob ng 24 na roas.
Ikatlo ang Taguig City na may dinampot na 86 na katao kasama ang 11 “tambay”.
52 naman ang nadakip sa Muntinlupa City kasama ang 13 katao na tinukoy ng Muntinlupa Police na “tambay sa kalye”.
Sa Pasay City, 45 ang nahuli sa iba’t ibang paglabag, 36 naman ang nahuli sa Makati at 4 sa Pateros.