US nagbitiw na sa United Nations Human Rights Council
Nagbitiw sa human rights council ng United Nations ang Estados Unidos.
Kinumpirma ito ni US Ambassador to UN Nikki Haley.
Binatikos din ni Haley ang Russia, China, Cuba at Egypt sa pagharang nito sa mga repormang nais ng Amerika para sa human rights council ng UN.
Sa pagbibitiw, inakusahan din ng Amerika ang council ng pagiging “bias” laban sa Israel.
Ani Haley kung titiginan at aaraling mabuti ang council makikita ang kawalan nito ng respeto maging sa napaka-basic lang na usapin ng karapatang pantao.
Magugunitang noon pa nagbabanta ang administrasyon ni US President Donald Trump na magbibitiw sa 47-member Geneva-based body kapag hindi ito nareporma.
Ilan lang sa repormang nais sana ng US sa council ay ang padaliin ang proseso sa pagtitiwalag sa isang member state na mayroong hindi magandang rekord sa human rights.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.