Pangulong Duterte pinapatay ang peace talks ayon kay CPP Founder Joma Sison

By Justinne Punsalang June 20, 2018 - 03:41 AM

Pinapatay ni Pangulong Rodrigo Duterte ang peace negotiations sa pagitan ng pamahalaan at Communist Party of the Philippines – New People’s Army (CPP-NPA).

Ito ang naging pahayag ni CPP Founder Jose Maria Sison matapos ipagpaliban ng pangulo ang nakatakda sanang negosasyon sa June 28 sa pagitan ng dalawang panig.

Ayon kay Sison, alam naman ni Pangulong Duterte na hindi papayag ang mga kasapi ng National Democratic Front of the Philippines (NDFP) na makipagnegosasyon sa isang lugar na nasa ilalim ng kanyang kontrol.

Kinwestyon pa ni Sison ang sinseridad ng pamahalaan patungkol sa usaping pangkapayapaan.

Ani Sison, tila ang tunay na gusto ng pangulo ay buwagin ang NPA sa pamamagitan ng paglulunsad ng mga opensiba at paggamit ng tokhang sa mga komunidad.

Dagdag pa ni Sison, kung hindi papayag ang NDFP na makipag-usap sa loob ng Pilipinas, magiging target ng anti-terrorist campaign ang NPA. Hindi na rin aniya malayo dito ang pagdedeklara ng martial law o state of emergency sa buong bansa.

Makikita aniya sa ngayon na tunay na anti-peace ang administrasyong Duterte at layon nitong magpatupad ng pasistang diktadurya sa mga Pilipino.

TAGS:

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.