6 na gabinete ni PNoy, magbibitiw para sa 2016 elections

June 17, 2015 - 07:36 PM

drilon-1Anim na cabinet member ng Pangulong Benigno Aquino III ang inaasahang aalis na sa puwesto sa mga susunod na araw.

Ayon kay Senate President Franklin Drilon, ito ay sina Interior Secretary Mar Roxas na presumptive presidential candidate ng Liberal Party, Justice Secretary Leila de Lima na posibleng tumakbong senador, Energy Secretary Jericho Petilla, TESDA Director General Joel Villanueva, at Metro Manila Development Authority Chairman Francis Tolentino.

Inaasahang magbibitiw na rin sa puwesto si Agriculture Secretary Proceso Alcala na maaring bumalik sa bilang Congressman ng lalawigan ng Quezon.

Ayon kay drilon, tiyak na magkakaroon ng pagbabago sa gabinete ng Pangulo oras na matapos ang kanyang State of the Nation Address sa July 27.

Nagpahiwatig na rin aniya  sina dating Senador Richard Gordon at Kiko Pangilinan na kagustuhang bumalik muli sa senado.

Samantala, hindi pa matiyak ni Drilon kung ano ang balak nina dating senators Ping Lacson at Migz Zubiri.

Sa ngayon aniya, anim sa kasalukuyang  senador ang mag papare-elect, kabilang na siya.

Kasama rin sa listahan sina senador TG Guingona, Ralph Recto na pawang mga taga LP, Tito Sotto na miyembro ng Nationalist Peoples Coalition, senador Sergio  Osmeña na isang independent at senador Bongbong Marcos na miyembro ng Nacionalista Party. / Chona Yu

 

TAGS: cabinet members, elections, Radyo Inquirer, cabinet members, elections, Radyo Inquirer

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.