Hindi makakapaglaro para sa anumang sport para sa Season 96 ng NCAA ang lahat ng mga dayuhang student-athletes.
Ito ang inanunsyo ni NCAA management committee chairman, Frank Gusi.
Ani Gusi, napag-usapan ng management na hanggang Season 95 lamang maaaring maglaro ang mga dayuhang mag-aaral at hindi na papayagang makasali pa sa Season 96.
Sa panayam ng Inquirer, sinabi ni Gusi na magiging mas balanse ang mga koponan kapag walang foreign players.
Noong mga nakalipas na season, karamihan sa mga manlalaro ng mga koponan ay pawang mga dayuhan. Katunayan, noong Season 94, si Jio Jalalon lamang ang nag-iisang mayroong dugong Pilipino na nakasama sa Mythical Five.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.