Duterte: Wala ng 2nd chance, pagtanggal sa mga tiwaling opisyal madaragdagan

By Len Montaño June 19, 2018 - 09:34 PM

Inihayag ni Pangulong Rodrigo Duterte na magkakaroon pa ng mga sibakan sa gobyerno dahil wala ng second chance para sa mga tiwaling opisyal.

Sa kanyang talumpati sa anibersaryo ng Government Service Insurance System (GSIS), sinabi ng Pangulo na masakit sa kanya ang magtanggal ng opisyal pero magpapatuloy anya ito.

Hindi umano alintana ng Pangulo kung maging tatak niya ang laging naninibak ng nagtatrabaho sa pamahalaan.

Iginiit ni Duterte na kapag nagkamali ang opisyal ay wala na itong second chance dahil dapat anyang hindi nakakaranas ng kurapsyon ang mga Pilipino.

Pero ang pahayag ng Pangulo na wala ng second chance ay taliwas sa muling pagtalaga nito sa ibang ahensya ng sinibak na niyang opisyal na nasangkot sa katiwalian.

Matatandaan na itinalaga ng Pangulo si dating Social Security System commissioner Pompee La Viña bilang undersecretary ng Department of Agriculture.

Muli ring itinalaga ni Duterte sa gobyerno si Melissa Aradanas na isa sa limang opisyal ng Presidential Commission for the Urban Poor (PCUP) na una nitong tinanggal.

Si Aradanas, na pinsan ng partner ng Pangulo na si Honeylet Avanceña, ay deputy commissioner na ngayon sa Housing and Urban Development Coordinating Council (HUDCC).

Habang si dating Bureau of Customs chief Nicanor Faeldon na nadawit sa China shabu smuggling ay itinalaga ng Pangulo bilang deputy administrator sa Office of Civil Defense.

TAGS: Rodrigo Duterte, Rodrigo Duterte

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.