Biyahe ng MRT, naantala dahil sa isang plastic bag

By Len Montaño June 19, 2018 - 07:36 PM

Pansamantalang naapektuhan ang operasyon ng Metro Rail Transit 3 ngayong hapon dahil sa plastic bag.

Ayon sa pamunuan ng MRT-3, nakita ang isang plastic bag na nakapulupot sa isa sa mga messenger wires.

Nakita ang plastik sa messenger wire sa pagitan ng southbound lane ng Santolan at Ortigas Stations pasado alas dos ng hapon.

Ang overhead messenger wire ang nagsu-supply ng kuryente sa MRT-3.

Sa kabila ng aberya, sinabi ni MRT-3 Media Relations Officer Aly Narvaez na walang ipinatupad na provisional service.

Na-delay lang aniya ang galaw ng mga tren dahil sa plastic.

Natanggal ang plastic bag at balik normal ang operasyon ng MRT-3 dakong 2:35 ng hapon.

TAGS: MRT, MRT

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.