Pag-aresto sa mga tambay, hindi hahantong sa Martial law – Palasyo

By Chona Yu June 19, 2018 - 04:08 PM

Tiniyak ng Palasyo ng Malakanyang na hindi hahantong sa Martial law o batas militar ang paghihigpit ni Pangulong Rodrigo Duterte sa mga tambay.

Sa pulong balitaan sa Cotabato, sinabi ni Presidential spokesman Harry Roque, malinaw ang pahayag ng pangulo na magiging kumplikado kapag ipinatupad ang batas militar sa buong bansa.

“May Martial law po sa Mindanao. So hindi na kailangang mag-prelude to Martial law ang—sa Mindanao iyan ‘no. Pero malinaw po ang sinabi na ng presidente, ‘Martial law in the entire Philippines will become very complicated.’ He has absolutely no intentions right now unless there would be reasons to do so. Wala naman pong nakikita si presidente sa ngayon,” pahayag ni Roque.

Sa ngayon, umiiral ang batas militar sa Mindanao region matapos ang ginawang panggugulo ng teroristang Maute group sa Marawi City.

Ayon kay Roque, hinintay pa ng Palasyo ang guidelines ng Department of Interior and Local Government (DILG) at ng Philippine National Police (PNP) sa paghuli sa mga tambay.

Tiniyak pa ni Roque na mayroon namang garantiya ang publiko at maaring maghain ng writ of habes corpus o writ of amparo kung sa tingin nila ay umaabuso na ang mga pulis sa pag-aresto sa mga tambay.

“Mayroon pong mga built in guarantees naman po iyan, nariyan iyong ating Bill of Rights. So kinakailangan kapag nag-aresto sampahan sila ng kaso at kung hindi sila sasampahan within the prescribed number of hours dapat palayain,” pahayag ni Roque.

TAGS: DILG, Harry Roque, PNP, tambay, DILG, Harry Roque, PNP, tambay

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.