Sen. Gatchalian, dismayado sa kapos na ayuda sa epekto ng TRAIN law
Hindi na itinago ni Senador Win Gatchalian ang kanyang labis na pagkadismaya dahil hindi pa lubos na naipapatupad ang pagbibigay-ayuda na kaakibat ng pagpapatupad ng TRAIN Law.
Ipinunto ni Gatchalian na nangangalahati na ang taon at kalahati pa sa 10 milyong pamilya na ang hindi pa nakakatanggap ng unconditional cash transfer.
Paalala nito na nang dinidinig ang tax reform package ay tiniyak sa kanila ng economic managers na agad maibibigay ang mga tulong sa mga maapektuhan nang pagpapatupad nito.
Sinabi rin ni Gatchalian na ang mga operator ng mga pampublikong sasakyan ay dapat na binibigyan ng fuel vouchers para sila ay maka-diskuwento sa gasolina o krudo, ngunit aniya hindi pa ito naipapatupad.
Pinansin din ni senador ang kawalan ng framework para sa pagpapatupad ng Pantawid Pasada program na dapat nagiging gabay sa pamamahagi ng fuel vouchers.
Pagdidiin pa ni Gatchalian kapag may subsidiya ang mga PUV drivers ay hindi awtomatikong hihirit sila ng taas-pasahe kapag nagmahal ang mga produktong petrolyo na ang tatamaan naman ay mga ordinaryong mamamayan.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.