Pagbasura ng SC sa motion for reconsideration ni Sereno, nirerespeto ng Palasyo
Iginagalang ng Palasyo ng Malakanyang ang desisyon ng Korte Suprema na nagbabasura sa motion for reconsideration na inihain ni dating Chief Justice Maria Lourdes Sereno kaugnay sa quo warranto petition.
Ayon kay Special Assistant to the President Christopher “Bong” Go, may separation of power ang ehekutibo, hudikatura at lehislatura.
Paliwanag pa ni Go, nagbigay na ng pinal na pagpapasya ang mga mahistrado na hindi dapat na manungkulan si Sereno bilang chief justice dahil sa kwestyunableng statement of assets, liabilites and networth (SALN).
Matatandaang itinuturo ni Sereno si Pangulong Rodrigo Duterte na nasa likod ng pagpapatalsik sa kanya sa puwesto.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.